^

Probinsiya

Pekeng pulis todas sa buy-bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines —  Bulagta ang isang notor­yus na drug suspect na nagpapakilalang pulis matapos manlaban sa ikinasang buy-bust ope­ration ng awtoridad sa Brgy. Camanacsacan, San Jose City, Nueva Ecija kahapon.

Kinilala ni Lt. Colonel Heryl Bruno,  hepe ng San Jose City Police ang napatay na si Joel Tubera alyas “Kano”, 42-anyos, taga-Barangay­ Sinipit Bubon ng lungsod at umano’y nagpapanggap na pulis habang nasasangkot sa drug trade sa Nueva Ecija.

Ayon sa report, nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba si Tubera nang mahalatang pulis ang pinagbenta­han nito ng isang sachet na shabu.

Nakatakas naman ang alalay ng natumbang tulak sakay ng motorsiklo sa gitna ng nangyaring engku­wentro dakong ala-1:20 ng madaling araw.

Narekober sa lugar ang ginamit ni Tubera na isang cal. 38 rebolber na paltik matapos ang insidente.— Christian Ryan Sta. Ana

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with