P1.39 milyong shabu samsam, 3 ‘drug pusher’ tiklo
MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.39 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya habang tatlong pinaghihinalaang notoryus na drug pushers ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ang mga nasakoteng suspect na sina Sunny Pelle, Ashraf Tumawis at Michael Garcia.
Ayon kay Sermonia, ang mga suspect ay naaresto nitong Huwebes ng hapon sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Station 4 kung saan nasa 205 gramo ng shabu ang nakumpiska na nasa P1,390,000 ang halaga.
- Latest