^

Probinsiya

2 ‘tulak’ todas sa shootout

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Nasawi ang dalawang drug suspect matapos mauwi sa engkuwentro ang isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya dito, noong Huwebes ng gabi at Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roger Barlis, taga-General Tinio, NE; at isang alyas “Allan Martinez”, nasa hustong edad ng Cabanatuan City.

Ayon sa San Isidro Police, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa pangunguna ni P/Major Joel Dela Cruz, sa Barangay Poblacion, San Isidro, NE. Bandang alas-11 ng gabi noong Huwebes, matapos umanong magpalitan ng droga at marked money ang police poseur-buyer at ang suspek na si Barlis ay nakahalata ang huli na pulis ang kausap nito kaya nanlaban sanhi ng shootout.

Bulagta ang suspek at narekober sa crime scene ang isang kulay itim na motorsiklong Honda TMX na walang plaka; isang pistol caliber .45 armscor na may serial number 892323; isang caliber .38 na walang serial number at isang plastic sachet ng umano’y shabu.

Si Martinez ay napatay din sa isang buy-bust operation matapos na ikasa ang caliber .9mm nito sa mga pulis sa Brgy. San Miguel, Quezon, NE, bandang alas-2:30 ng madaling-araw ng Biyernes. May kasama pa umanong isa si Martinez na nakipagputukan din sa pulisya at nakatakas sakay ng isang motorsiklo.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with