Magtatay na kidnaper patay sa barilan
RIZAL, Teresa , Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-ama na umano ay mga kidnaper nang ito ay manlaban sa mga pulis na magsisilbi sa kanila ng search warrant sa kanilang bahay sa Sitio Ibabaw 2, Dulongbayan sa nasabing lugar, kamakalawa.
Ang dalawang napatay ay kinilalang sina Rodel Basi at anak nitong si Romar habang naaresto ang bunsong anak.
Ayon kay PNP AKG spokesperson Police Major Ronaldo Lumactod, isisilbi sana nila ang search warrant laban kay Rodel para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, pero habang papalapit pa lamang ang mga pulis ay nagpaputok na ang mag-ama.
Dahil dito gumanti ng putok ang otoridad kung saan napatay ang mag-ama habang naaresto ang bunsong anak.
Ang dalawa ay sangkot umano sa insidente ng kidnapping sa ilang Indian nationals, gun for hire at insidente ng murder sa lalawigan.Nakuha sa lugar ang isang shotgun, isang 9mm pistol at isang caliber .45 pistol.
- Latest