Magsasaka hinarang sa daan inutas
MANILA, Philippines — Duguang bumulagta sa gitna ng kalsada ang isang 40-anyos na magsasaka matapos na harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang gunmen sa Sitio Canumay, Brgy. Tagpo sa bayan ng Mandaon, Masbate, kamakalawa ng umaga.
Ang nasawi ay kinilalang si Joel Rubio Sto.Domingo, may-asawa at residente ng naturang barangay.
Sa ulat, alas-7:00 ng umaga lulan ng motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang harangin sa daan ng dalawang hindi nakilalang lalaki.
Pagtigil ng biktima ay bigla siyang pinagbabaril ng mga suspek na agarang namatay. Tumakas ang gunmen paakyat sa bulubunduking bahagi ng barangay.
- Latest