^

Probinsiya

Trike driver pinasok, nirapido

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 34-anyos na tricycle driver makaraang pasukin at pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa tinutuluyan nitong apartment sa Purok Champaca Uno, Brgy. Dicarma sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jomar Del Mundo, 34, may-asawa na agad na nasawi dahil sa rami ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, alas-10 ng gabi habang nasa loob ng kuwarto ang biktima at gumagayak na sa pagtulog nang biglang duma­ting ang suspek at agad siyang pinagbabaril.

Upang matiyak na patay ang biktima, muli siyang pinaputukan ng supek bago tuluyang tumakas sakay ng isang itim na motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Maria Theresa.

Inalis naman ang anggulo na robbery dahil walang nawalang gamit ng biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulis­ya sa motibo sa krimen.

vuukle comment

TRICYCLE DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with