^

Probinsiya

Pulis nanutok ng baril, 3 kaanak arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Pulis nanutok ng baril, 3 kaanak arestado
Kinilala ni P/Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng Cabanatuan City Police, ang mga suspek na sina Patrolman Rolliemar Santos, 26, binata, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng Region 4-A; Rolando Santos, 46, tiyuhin umano ng pulis, isang trike driver; Aldrian Santos, pinsan ng pulis, 25, binata, isang meat store worker; at isa pa nilang kaanak na 17-anyos na binatilyo.
STAR/ File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines —  Arestado ang isang pulis at tatlong kaanak matapos silang maaktuhan ng pulisya na nag-iinuman sa Purok 3, Brgy. Rizdelis ng lungsod na ito noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng Cabanatuan City Police, ang mga suspek na sina Patrolman Rolliemar Santos, 26, binata, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng Region 4-A; Rolando Santos, 46,  tiyuhin umano ng pulis, isang trike driver; Aldrian Santos, pinsan ng pulis, 25, binata, isang meat store worker; at isa pa nilang kaanak na 17-anyos na binatilyo.

Ang apat ay natunton ng mga rumespondeng pulis bandang alas-9:30 ng gabi matapos ang reklamo ng isang Norhasen Porito, 20-anyos, na tinutukan umano siya ng baril at pinagbantaang papatayin ng nasabing pulis.

Dahil sa takot, agad na humingi ng tulong sa pulisya si Porito at sa mabilis na pagresponde ng pulisya ay naaresto ang suspek na pulis at ang tatlong iba pa.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with