^

Probinsiya

Tirador ng trike natimbog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Tirador ng trike natimbog
Ayon sa General Llanera Police, hinabol at naaresto ng kanilang mga kagawad sa katabing bayan na Rizal, ang suspek na nakilalang si Ernesto Ilagan III, alyas “Estong”, 25, ng Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija.
STAR/File

NUEVA ECIJA, Philippines — Arestado ang isang lalaki na tumangay ng isang kolong-kolong na tricycle habang itinatakas ito sa Barangay Bagumbayan, General Llanera, dito kamakalawa ng hapon.

Ayon sa General Llanera Police, hinabol at naaresto ng kanilang mga kagawad sa katabing bayan na Rizal, ang suspek na nakilalang si Ernesto Ilagan III, alyas “Estong”, 25, ng Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon,  mag-aalas-4 ng hapon nang tangayin umano ng suspek ang kolong-kolong na service vehicle ng negosyanteng si Laverlyn Javier, may-asawa, ng nasabing barangay, sa harap pa mismo ng tindahan nito.

Humingi ng tulong si Javier sa nakasalubong na rumorondang police mobile patrol kaya agad na tinugis ang suspek sanhi ng kanyang pagkakaaresto.

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with