^

Probinsiya

Magdyowa dakma sa shabu, baril at granada

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Magdyowa dakma sa shabu, baril at granada
Ang mga suspek na kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165, R.A. 10591 at R.A. 9516 ay nakilalang sina Jeffrey Tabiando, 29, at ang kinakasama nitong si Gieanne Andoque, 20- anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Boy Santos, file

CAVITE, Philippines — Arestado ang mag-live in partner matapos na masamsaman ng droga, baril at granada sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Ang mga suspek na kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165, R.A. 10591 at R.A. 9516 ay nakilalang sina Jeffrey Tabiando,  29, at ang kinakasama nitong si Gieanne Andoque, 20- anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-8 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Dasmariñas Police-Drug Enforcement Unit (DEU) at ilang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa suspek na si Tabiando na target ng operasyon.

Nang magkaabutan na umano ng droga at buy-bust money, agad na dinampot ang suspek at kinakasamang si Andoque na nasa lugar.

Nakuha sa magdyowa ang  limang plastic sachet ng shabu , isang granada at isang caliber 38 revolver na kargado ng mga bala, at drug money. Ayon sa pulis­ya, posibleng miyembro si Tabiando ng sindikato ng robbery holdup at carnapping.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with