^

Probinsiya

Itatayong airport sa Bulacan, magbabangon ng turismo

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Itatayong airport sa Bulacan, magbabangon ng turismo
Ito ang inihayag ni Eduardo Raoul Romulo, chief financial officer at treasury head ng San Miguel Hol­dings Corporation, sa ginanap na Bulacan Business Conference 2020. Magreresulta aniya sa 30 milyong trabahong panturismo ang proyektong NMIA kung saan prayoridad na kuhanin ang mga manggagawa at propesyunal na Bulakenyo.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines —  Malaki ang maitutulong ng nakakasa nang pagsisimula ng konstruksyon ng New Manila International Airport (NMIA) sa Oktubre, sa pagbawi ng industriya ng turismo, hindi lamang ng Bulacan kundi maging ng bansa.

Ito ang inihayag ni Eduardo Raoul Romulo, chief financial officer at treasury head ng San Miguel Hol­dings Corporation, sa ginanap na Bulacan Business Conference 2020. Magreresulta aniya sa 30 milyong trabahong panturismo ang proyektong NMIA kung saan prayoridad na kuhanin ang mga manggagawa at propesyunal na Bulakenyo.

Base sa plano ng San Miguel Aero City Inc., ang konsesyonaryo ng proyekto, binubuo ng tatlong phases ang proyekto na may kabuuang halaga na P735.6 bilyon. Ang Phase 1 ay inaprubahan na ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na nagkakahalaga ng P544.5 bilyon na uunahing isakatuparan mula sa Oktubre.

Nakapaloob sa phase 1 ang konstruksyon ng 16.5 na ektaryang terminal 1 ng NMIA at paglalatag ng unang dalawang runways. May haba itong ng 2.6 kilometro at ang isa naman ay 3.5 kilometro na may dalawang taxiways. Magkakaroon din ito ng tatlong apron na kayang paglagyan ng 180 aircraft gates. Bukod sa terminal 1, may itatayo namang cargo terminal na may laking 3.5 ektarya.

Isasabay sa pagtatayo ng phase 1 ang konstruksiyon ng 8-kilometrong airport expressway na magsisimula sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may Marilao papuntang NMIA na nasa barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan.

Sa phase 2 at phase 3 ng proyekto na nagkakaha­laga ng P76.42 bilyon at P114.6 bilyon, magiging tatlo na ang airport terminals ng NMIA at makukumpleto na rin ang apat na mga runways. Kapag natapos ang kabuuan ng proyekto sa pagitan ng taong 2025 at 2026, kaya nitong makapaglulan ng 105 na mga eroplano kada oras at makakapagserbisyo sa 100 milyong pasahero.

vuukle comment

PEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with