^

Probinsiya

Misis na ayaw magpahalik todas kay mister

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Misis na ayaw magpahalik todas kay mister
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Leo­nides Lupian Tuadles habang ang suspek ay ang kanyang mister na si Leonardo Empanado Tuadles, 72.
STAR/ File

NORTH COTABATO , Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 70-anyos na ginang matapos na pagsasaksakin ng kanyang mister dahil ayaw itong magpahalik naganap sa Purok 10, Barangay Poblacion, Makilala, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Leo­nides Lupian Tuadles habang ang suspek ay ang kanyang mister na si Leonardo Empanado Tuadles, 72.

Sa salaysay ng apo ng mag-asawa sa pulisya, bandang alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang nakahandusay sa sahig ang kanyang lola at lolo na naliligo sa kanilang sa­riling dugo dahil sa tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ang dalawa ay dinala sa ospital,subalit idineklarang dead on arrival ang ginang habang nakaligtas at nagpapagaling na ang suspek.

Sa salaysay ng suspek sa pulisya sila ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ng mag-asawa sa nakalipas na mga araw dahil hindi na umano nagpapahalik ang biktima.

Kaya’t nagalit ang mister at pinagsasaksak ang asawa at nang bumulagta ay nagsaksak rin ito sa sarili.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with