^

Probinsiya

Pulisya bumuo na ng TF Salonga sa pag-ambush sa Nueva Ecija mayor

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines — Bumuo na ng Special Investigation Task Force ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na masusing magsisiyasat sa nangyaring pagtatangka sa buhay ni San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga na tinambangan noong Martes ng umaga sa ginagawang tulay sa pagitan ng bayan ng Jaen at bayan ng San Leonardo.

Sinabi ni PNP Provincial Director Colonel Marvin Joe Saro, mangunguna sa Task Force ang Criminal Investigation and Detection Group - Nueva Ecija at mga imbestigador ng NEPPO, katuwang ang Jaen at San Antonio police stations.

Magugunita,dakong alas 8:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril kay Mayor Salonga na lulan ng kaniyang SUV, na may plakang ZTU 515, habang bumabagtas sa “one way lane” na tulay.

Nadaplisan naman sa leeg ang kasamang driver/ security ni Salonga na si Danny Camelo, 52.

Umabot sa 5 ang tama ng sasakyan na ayon sa alkalde ay mula sa nanambang na ipinapalagay niyang mga apat na armadong lalaki.

Sinabi ni Mayor Salonga na malabong pulitika ang motibo dahil malayo pa umano ang eleksiyon, bukod sa tumakbo siyang “unopposed” noong 2019.

“Ang sariwang pangyayaring kinasangkutan ko ay ang paghahain ng mga kaso sa Ombudsman kontra sa isang heneral sa Central Luzon”, ayon pa kay Salonga.

Malaking tulong naman para sa task force ang nakalap na mga CCTV footages sa pinangyarihan ng pananambang, dagdag pa ni Colonel Saro.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with