^

Probinsiya

MECQ sa Solano hinirit na palawigin

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil sa patuloy­ na pagtaas at malawakang hawaan na sumabay pa sa ikaapat na kamatayan ng isang COVID-positive na pasyente kahapon, hiniling ng lokal sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 na palawigin ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Solano, Nueva Viscaya hanggang sa Septyembre 30.

Ipinatupad ang MEQC sa Solano noong Sept. 1 ma­tapos itong aprubahan ng regional IATF at tatagal sana hanggang sa Martes lamang.

Kahapon din inihayag ng Provincial Health Office na ang ikaapat na namatay sanhi ng komplikasyon sa COVID ay isang mister matapos ang dalawang linggong pagkakaratay sa Region 2 Trauma and Medical Center sa Bayombong.

Samantala, iniutos ni Solano Mayor Eufemia Dacayo ang paglalagay ng mga talipapa sa bawat barangay upang maibsan ang pagkalat ng mga tao sa pamimili ng kanilang pagkain at kagamitan sa iisang lugar. Ito ay matapos na karamihan sa mga COVID patients ay nasagap ang virus sa kanilang public market at municipal slaughterhouse.

Sa tala, 119 na ang active COVID-19 cases sa Solano­ at 10 dito ang nakarekober habang apat ang nasawi.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with