12 most wanted sa Cagayan Valley nalambat
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang may 12 most wanted sa Cagayan Valley sa magkakahiwalay na warrant operation sa rehiyon.
Sa report sa tanggapan ng P/Brig. Gen. Crizaldo Nieves, police regional director ng Cagayan Valley (Region-02), dinakip sa bisa ng mga warrant of arrest ang mga wanted na sina Julius Domingo, 39, top 3 most wanted sa buong Region 2 sa kasong forcible abduction with multiple rape, ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya; Andres Navarro, 19, top 1, ng Brgy. Bangag, Ilagan, City, Isabela dahil sa kasong 4 counts ng statutory rape; Mickey Radiamora, 32, top 5, ng Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa kasong 3 counts of rape; Nancy Pinto alyas “Ebot”, 52, top 7, ng Muñoz, Roxas, Isabela sa kasong robbery; pawang most wanted sa provincial level.
Nahuli rin ang mga most wanted sa city level na sina Adonis Tumitit, 32, Top 3 ng Santiago City sa kasong rape (3 counts); Monford Ferrer, 31, top 5 City level mula naman sa Echague, Isabela habang ang mga top most wanted sa municipal level ay sina Miguel Ocquia, 48, top 1 ng Bambang, Nueva Vizcaya; Noli Mirafuente, 42, top 3 ng Aparri, Cagayan; Rolly Carbonel, 44, top 5 ng Calapangan, Sto Niño, Cagayan; Erwin Rubino, 50, Top 5 ng Sta Marcela, Apayao; Joemar Celis, 22, top 8 ng Solana, Cagayan; Leilanie Mirafuente, 40, top 9 ng Aparri, Cagayan at Ignacio Rodriguez, 49, top 9 ng Saguday, Quirino.
- Latest