^

Probinsiya

Pickup hulog sa bangin: Konsehal patay, 5 grabe

Doris Franche, Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Dadalo sana sa burol ng kaanak

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagdalo sana sa burol ng kaanak matapos mahulog sa malalim na bangin ang isang pickup truck na ikinasawi ng isang konsehal at malubhang ikinasugat ng lima pa habang binabagtas nila ang matarik na bulubunduking highway ng Sitio Mankgew sa Brgy. Pacso, Kabayan, Benguet noong Sabado.

Idineklarang dead-on-arrival ni Municipal Health Officer Dr. Felix Mangaltag Jr. si Councilor Mercury Binwihan, 54, ng Tinoc, Ifugao nang isugod siya sa Rural Health Clinic ng Kabayan.

Nilalapatan din ng lunas sa naturang pagamutan ang mga sugatang kaanak ng konsehal na sina Norwin Carpio, 34; Jonathan Binwihan, 20; Elsa Paeng, 52; Analiza Carpio, 32, at Leizel Ann Dulnuan, 25.

Lumalabas na lumihis sa pagmamaneho ng kanyang pickup truck (CML 599) ang konsehal sa pabulusok na kurbadang daan sanhi upang tumuloy ito sa 50 metrong lalim na bangin dakong alas-2:30 ng hapon.

Patungo ang mga biktima sa Kabayan upang dumalo sa burol ng namatay nilang kamag-anak nang mangyari ang sakuna.

vuukle comment

KONSEHAL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with