Wanted sa kasong rape natimbog
NORTH COTABATO, Philippines — Nalambat ng pulisya ang tinaguriang Top 9 most wanted person sa lungsod sa isinagawang pagsalakay sa Purok Sampaguita, Barangay Poblacion, Imelda, Zamboanga Sibugay, kamakalawa.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Antonio Lubao ng RTC-Branch 22, 11th Judicial Region, matagumpay na naaresto ang suspek na si Jaime Languido Balmera, 34-anyos at naninirahan sa nabanggit na lugar.
Nagsanib puwersa ang mga tauhan ng Police Station 4 ng General Santos City Police Office, Imelda Munipical Police Station at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office sa operasyon upang tuluyang madakip ang suspek.
Ayon kay P/Capt. Brent Salazar, hepe ng Police Station 4, mahigit pitong taong nagtago si Balmera na itinuturong responsable sa panggagahasa sa isang “mentally challenged” o may kapansanan sa pag-iisip na babae na nangyari sa Johnny Ang, Barangay City Heights noong 2013.
- Latest