1st drive-thru swab testing sa Bulacan, bukas na
BOCAUE, Bulacan , Philippines — Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang drive-thru swab testing sa Bulacan bilang bahagi ng programa ng Joni Villanueva Molecular Laboratory.
Ayon kay Guguinto Mayor Amrosio ‘Boy’ Cruz, kaya ng binuksang molecular laboratory na makapagsagawa ng 1,500 hanggang 2,000 tests kada araw.
“Samakatuwid, kaya nitong maabot ang minimum na 1% o 35, 000 tests per month na dapat maisagawa sa ating lalawigan,” ani Mayor Cruz.
Ipinangalan sa namayapang alkalde na si Eleanor “Joni” Villanueva-Tugna ang testing laboratory na matatagpuan sa Bocaue, Bulacan bilang proyekto ng League of Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter sa pangunguna ng pangulo nito na si Mayor Cruz ng Guiguinto.
Aniya, mas mura rin ang presyo ng testing dito kumpara sa ibang testing laboratories. Nagkakahalaga lamang ng P3,500 bawat test at makukuha na ang resulta sa loob ng tatlong araw.
Para sa mga karagdagang kaalaman maaaring tawagan ang mga hotline numbers ng Joni Villanueva Molecular Diagnostic Laboratory sa 0926-628-1655; 0931-069-7666 at 0961-532-4888.
- Latest