^

Probinsiya

9 timbog sa illegal logging

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
9 timbog sa illegal logging
Kinilala ang mga suspek na sina Redentor Silao, 39; Marjole Silao, 37; Jaynard Ladia, 32; Jerick James Tiburcio, 27; Francis Ladia, 27; Donato Abon, 27; Felipe Mer­cado, 40; Marcelo Lumosan, 27, at Regie Reyes, 42, pawang residente ng Brgy. Palacian, Aglipay.
AFP/Ted Aljibe, File

Pulis idinawit, hepe sibak

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines —  Arestado ang isang pulis at 9 katao dahil sa illegal logging sa Aglipay, Quirino habang nadamay na masibak sa puwesto ang hepe ng una dahil sa command responsibility kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Redentor Silao, 39; Marjole Silao, 37; Jaynard Ladia, 32; Jerick James Tiburcio, 27; Francis Ladia, 27; Donato Abon, 27; Felipe Mer­cado, 40; Marcelo Lumosan, 27, at Regie Reyes, 42, pawang residente ng Brgy. Palacian, Aglipay.

Agad namang sinibak sa puwesto at nahaharap sa kasong criminal at administratibo si P/Cpl. Grengo Frank Browner Eustaquio, nakatalaga sa Cabarroguis Police Station, matapos siyang isangkot sa illegal logging.

Ayon kay P/Lt. Scarlette Enriquez, taga­pag­salita ng Quirino Provincial Police Office, nagsagawa ng operasyon ang Aglipay Police at Regional Integrity Mo­nitoring Enforcement Team na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek at pagkakabawi ng nasa 2,221 board feet na pinutol na mga kahoy lulan ng isang Isuzu forward truck (RBH 282) sa Brgy. Victoria, alas-4:00 ng hapon.

Nakuha ng pulisya ang isang cellphone mula kay Marjole Silao at dito nakita ang mga palitan nila ng text messages ni Eus­taquio na agad hinuli ng mga kabaro sa followup operation sa Cabaroguis Police Station.

Sinabi ni Enriquez na command responsibility naman ang dahilan ng pagsibak sa acting chief ng Cabaroguis Police dahil sa pagkakasangkot ni Eustaquio sa illegal logging.

vuukle comment

ILLEGAL LOGGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with