^

Probinsiya

18-anyos na-gang rape sa laklakan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 18-an­yos na babae na inanyayahan ng kanyang chatmate na makipag-inuman ang na-gang rape ng pitong lalaki sa Brgy. Pila, Laoag City, Ilocos Norte kahapon.

Ayon kay City Chief of Police Lt. Colonel Rafael Lero,  hawak na nila ang anim na suspek at tinutugis pa ng awtoridad ang isa nilang kasamahan na hindi muna tinukoy ang mga pagkakakilanlan.

Una rito, nagawang imbitahan sa Barangay Pila ang dalagang biktima na itinago sa pangalang Remedios mula sa Barangay Navotas ng isa sa mga suspek na umano’y chatmate nito noong Agosto 30 ng gabi. Gayunman, nang malasing ang biktima ay halinhinan na siyang ginahasa ng mga suspek.

Sinamantala ni Remedios na tumakas habang himbing na naghihilik ang pitong suspek sa pagtulog. Tinulungan siya ng mga nagrorondang barangay tanod habang sinalakay ng pulisya ang kinalalagyan ng mga suspek at nadakip ang anim sa kanila.

Ayon kay Lero, nagkaroon sila ng suliranin na kunan ng salaysay ang biktima dahil mayroong kapansanan sa pagsasalita.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with