Congressman sa Cavite tinamaan ng virus
CAVITE , Philippines — Maging si Cavite Rep. Luis “Jon Jon” Ferrer ay hindi nakaligtas sa COVID-19 makaraang magpositibo sa swab test sa Gen. Trias City kamakalawa.
Sa isang Facebook post nitong Linggo, inihayag ni Congressman Ferrer na siya ay nagpositibo sa (COVID-19). Aniya, nakaramdam siya ng mga sintomas ng sakit na kagaya ng sa flu nitong mga nakaraang araw kaya sumailalim siya sa isolation at RT-PCR swab test.
Dahil dito, pansamantalang isasara ang District Office ng lungsod upang masiguro ang kaligatasan ng mga nasasakupan ng kongresista.
Sinabi ni Ferrer na hindi siya agad makatutugon sa mga mensahe dahil kasalukuyan na siyang nagpapagaling sa isang medical facility.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing ang City Health Office ng General Trias.
Nananawagan si Cong. Ferrer sa lahat ng mga nakasalamuha nito sa nakalipas na 14 araw na makipag-ugnayan sa CHO at sumailalim sa isolation kung kinakailangan.
- Latest