^

Probinsiya

Pulis, kasamang bebot tiklo sa kotong

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Inaresto ng Cavite Police ang kanilang kabaro at isang kasamang babae matapos umanong koto­ngan ang isang ginang kapalit ng paglaya ng nakakulong niyang anak sa Imus City, iniulat kahapon.

Kasong robbery extortion ang isinampa laban kina P/SSgt. Ronald Laurente at Tricia Francesca Santos, kapwa residente ng Kawit, dahil sa reklamo ni Floredeliza Paming, 39, may-asawa ng 27 Regatan Anabu IG, Imus City, Cavite.

Ayon sa reklamo ng biktima sa Imus City Police, humingi umano si Santos kay Paming ng halagang P20,000 at P30,000 noong Agosoto 3 at 6, kapalit ng pa­ngakong aayusin ang piyansa ng kanyang anak na nakakulong sa Imus Custodial Center dahil sa kasong paglabag sa Sec 5, 11 at 26, Art II ng R.A. 9165 at karagdagang P65,000 pa noong Agosto 24 para sa iba pang gastusin.

Ipinangako umano ni Santos kay Paming na makakalabas ang nakakulong nitong anak sa susunod ng Linggo pero dumating ang nasabing araw ay hindi nakalaya ang anak.

Noong Agosot 28, muling humingi si Santos kay Paming ng halagang P250,000 para sa piyansa ng kanyang anak pero nagduda na ang huli kaya humingi na siya ng tulong sa pulisya. Dito ikinasa ang entrapment operation ng mga operatiba ng IMEG, RSOU4A at Imus MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ni Santos.

Inginuso naman ni Santos si P/SSgt Laurente na siya umanong nag-utos sa kanya na kotongan ang biktima dahilan upang arestuhin din ang huli ng mga kabaro.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with