^

Probinsiya

3 killer ng chief of police, tukoy na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakilala na ng mga awtoridad ang tatlo sa limang responsable sa pamamaslang sa hepe ng Carmen Police sa North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato Police Director Police Col. Henry Villar, mayroon na silang malinaw na pagkakakila­n­lan sa tatlong gunmen na bumaril at nakapatay sa isang negosyanteng Bumbay at gayundin sa hepeng si Major Joan Resurreccion na napatay ng mga holdaper sa hot pursuit operations.

Sinabi ni Villar na nagsasagawa na ng dragnet operations ang Carmen Police katuwang ang intelligence units ng North Cotabato Police at ma­ging ang Philippine Army sa mga salarin. Aniya, ang mga suspek ay kasapi ng isang sindikato na aktibong nag-o-operate sa North Cotabato at mga kalapit na lugar. Target nila ang mga dayuhan kabilang ang mga Bumbay na may money len­ding business o 5-6.

Magugunita na hinoldap ng mga suspek at pinaslang ang negosyanteng si Lovepretch Singh Brar, 25 anyos ng Brgy. Poblacion ng bayang ito. Nagresponde at pinangunahan ni Resurreccion ang hot pursuit operations laban sa mga holdaper pero nasawi siya sa palitan ng putok sa mga suspek.

vuukle comment

KILLER

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with