^

Probinsiya

Senior ninakawan, kinatay saka sinunog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Senior ninakawan, kinatay saka sinunog
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raulito Aquino, 63-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
STAR/File

3 inupahang trabahador tugis

CAVITE, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang senior citizen na dating kagawad na senior citizen sa kamay ng tatlong lalaki na kanyang inupahan upang gumawa ng kulungan ng mga manok matapos siyang pagnakawan, saksakin at sunugin sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Bucal, Maragondon, dito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raulito Aquino, 63-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ang mga suspek na pinaghahanap ay nakilala namang sina Marvin Madugay, Mark Kevin Dicen at Arnold Faustino, ng Ternate at Maragondon, Cavite.

Sa imbestigasyon, mag-aala-una ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa mismong kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Nakitaan ng mga saksak at palo sa ulo, leeg at dibdib ang biktima at pinagnakawan din siya ng mga suspek saka sinilaban upang itago ang krimen.

Ang tatlong suspek ay inupahan umano ng biktima para gumawa ng kulungan ng kanyang mga manok.

Pasado alas-12 ng madaling araw nang magising ang kapitbahay ng biktima hinggil sa sunud-sunod na kahol ng mga aso. Nang kanilang silipin ay nakita nila ang tatlong suspek na papasok sa bahay ng matanda. At dahil sa alam nilang tauhan nito ang tatlo ay binalewala nila ito subalit ilang minuto lamang nang muli silang mabulabog ng malalakas na tahol ng aso. Muli silang sumilip at nakita na nilang nagliliyab ang kuwarto ng matanda.

Agad tumawag ng bumbero ang mga saksi at nang maapula ang apoy ay tumambad ang sunog na sunog na katawan ng biktima. Nawawala na rin ang mga pera, cellphone, alahas at mahahalagang gamit nito.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with