^

Probinsiya

Killer ng mag-ina sa Bulacan arestado!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Killer ng mag-ina sa Bulacan arestado!
Kinilala ang naares­tong suspek na nahaharap sa 2-counts of murder, threat at resisting arrest na si Alberto Aguinaldo, binata at kapitbahay ng mag-inang biktima na sina Carmelita, may-asawa at Mary Grace Tungol, 43, dalaga, kapwa ng Purok 2, Brgy. Mercado, Hagonoy, Bulacan noong Agosto 21.
STAR/File

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Nadakip ng pulisya ang isang 20-anyos na matadero na suspek sa pagpatay sa 69-anyos na ginang at anak nitong dalaga na kapwa natagpuang naagnas na sa loob ng kanilang tahanan sa bayang ito noong Biyernes.

Kinilala ang naares­tong suspek na nahaharap sa 2-counts of murder, threat at resisting arrest na si Alberto Aguinaldo, binata at kapitbahay ng mag-inang biktima na sina Carmelita, may-asawa at Mary Grace Tungol, 43, dalaga, kapwa ng Purok 2, Brgy. Mercado, Hagonoy, Bulacan noong Agosto 21.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi noong Biyernes nang maaresto ang suspek sa Barangay Hall ng Brgy. Mercado matapos ireklamo ng pagbabanta na papatayin nito ang kaanak ng mga biktima matapos na magkasalubong sa kalsada.

Sa interogasyon, inamin umano ng suspek na siya ang gumawa ng karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina dahil sa galit nang hindi umano siya payagang magkabit ng linya ng kuryente sa bahay ng mga biktima.

Sinabi ng suspek na umakyat siya sa bubong ng bahay ng mga biktima noong Martes (Aug.18) sa pagitan ng alas-3 at alas-4 ng madaling araw at nang makapasok ay magkasunod na sinaksak ng kutsilyo ang mag-ina nang magising sila saka kinuha ang P5,000 cash sa pitaka ng matandang Tungol.

Naging “person of interest” ang suspek matapos lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya ang footprints na iniwan nito sa crime scene gayundin ang bakas ng kanyang mga kamay na nagtugma sa nakalap sa barangay na pinatunayan naman ng SOCO.

Nakuha rin ng mga pulis ang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pagpatay sa mag-ina.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with