^

Probinsiya

Tanod nanita ng post sa FB, inutas

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang barangay tanod ang nasawi matapos saksakin ng kanyang kabarangay dahil lamang umano sa post nito sa Facebook sa Aparri, Cagayan kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Olvidado Balao, 39, magsasaka habang agad naaresto ang suspek na si Joel Aquino, 61, dating overseas Filipino worker (OFW) at kapwa residente ng  Brgy. Toran, Aparri.

Ayon sa ulat ni P/CMS Emmanuel Padul, unang sinita ni Balao si Aquino dahil umano sa mga hindi magandang salita na post nito sa social media particular sa FB laban sa kanya, nang magkita sila sa isang tindahan na pag-aari ng isang Pablito Regunan, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa.

Kumuha umano ang biktima ng bote ng softdrink at ipinukpok sa ulo ng suspek na dahilan para bumagsak ang huli sa lupa. Dito na gumanti at binunot ng suspek ang kanyang dalang patalim saka itinarak sa kaliwang dibdib ng biktima.

Naisugod pa sa Toran Provincial Hospital ang biktima subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with