^

Probinsiya

3 pulis sa naka-lockdown na istasyon, may COVID-19

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon
3 pulis sa naka-lockdown na istasyon, may COVID-19
Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao, hepe ng Cagayan Valley Medical Center na nasa pangangalaga na nila ang isa sa mga pulis na may pinakitang sintomas.
Edd Gumban/File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan – Tatlong pulis na kabilang sa 24 personnel ng Tuguegarao Police Station na kasalukuyang sumasailalim sa 2-linggong lockdown ang nagpositibo sa COVID-19 kahapon.

Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao,  hepe ng Cagayan Valley Medical Center na nasa pangangalaga na nila ang isa sa mga pulis na may pinakitang sintomas.

Ang dalawa pang nagpositibong pulis ay asymptomatic at isinailalim na sa home qua­rantine.

Matatandaan na nagkulong sa loob ng police station ang 23 pulis at hepe nilang si Lt. Colonel Jonalyn Tecbobolan na nag-utos ng 2-linggong lockdown matapos na magposi­tibo sa coronavirus ang isa nilang sibilyan na empleyado noong Agosto 17, na siya namang posibleng nakahawa.

Sinikap kontakin ng PSN si Tecbobolan at ang mga pulis na nasa loob ng istasyon su­balit walang sumasagot sa mga tawag sa cellphone na lumikha ng pag-aalala sa publiko ukol sa kasalukuyan nilang kalagayan

Maging ang katabing City Hall ay isinailalim na sa lockdown upang isagawa ang disinfection matapos magawi roon si Tecbobolan at kanyang mga tauhan, ayon sa tagapagsalita ni Mayor Jefferson Soriano.

Lumalabas na may 10 katao na ang naitalang nahawaan ng pamilya ng naturang empleyado ng nasabing police station na nagmula sa walong barangay ng lungsod. Kasama ng kawani na unang nakitaan ng virus ay ang mister at ama nito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with