^

Probinsiya

Misis kinatay ng kinakasama sa selos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis kinatay ng kinakasama sa selos
Idineklarang dead-on-arrival sa Bukidnon Provincial Hospital ang biktimang si Maricel Durendez, residente ng Purok 4B, Brgy, Bayabason, Maramag, Bukidnon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding selos, patay ang isang 42-anyos na ginang makaraang tarakan ng patalim sa dibdib at pagtatagain ng kanyang live-in partner matapos ang mainitang pagtatalo sa Maramag, Bukidnon nitong Sabado ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa Bukidnon Provincial Hospital ang biktimang si Maricel Durendez, residente ng Purok 4B, Brgy, Bayabason, Maramag, Bukidnon.

Nasakote naman sa follow-up operation ang suspek na may kalayuan ang agwat ng edad sa kinakasamang biktima na si Ruel Rafols, 27.

Sa report ni Bukidnon Provincial Police Office (PPO) director P/Col. Roel Lami-ing, alas-9 ng gabi nitong Biyernes ay nag-away ang dalawa dahil sobrang pagseselos umano ang suspek nang maghinalang may kalaguyo ang ginang.

Makalipas ang ilang oras, biglang nagwala ang suspek at pinagtataga sa ulo ang kinakasama bandang ala-1:15 ng madaling araw. Hindi pa nakuntento, pinagsasaksak pa ang biktima at tinarakan ng matalim na kutsilyo sa dibdib bago mabilis na tumakas ang suspek.

Narekober sa crime scene ang 20 pulgadang itak habang ang kutsilyo ay nakitang nakatarak pa sa dibdib ng ginang.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with