^

Probinsiya

Ex-mayor, 16 pang wanted sa ‘illegal detention’ sumuko

Pilipino Star Ngayon
Ex-mayor, 16 pang wanted sa �illegal detention� sumuko
Si Cobanbang at 16 akusado ay may warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 12 ng Sanchez Mira sa Cayagan noong Oktubre 22, 2019 dahil sa kasong serious illegal detention at grave coercion na inihian ni Virginia Nicole Savellano-Ong.
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Sumuko nitong Biyernes sa Police Regional Office-1 sa San Fernando, La Union si dating Cabugao Mayor Josh Edward Cobanbang at 16 pang kapwa akusado matapos ang 10-buwang pagtatago kaugnay sa isinampang kasong kriminal ng may-ari ng isang resort na kanila umanong ipinasara.

Si Cobanbang at 16 akusado ay may warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 12 ng Sanchez Mira sa Cayagan noong Oktubre 22, 2019 dahil sa kasong serious illegal detention at grave coercion na inihian ni Virginia Nicole Savellano-Ong.

Kinilala ng PNP-PRO1 Public Information Office ang iba pang sumuko na sina Kartina Cruz Soriano, 33; Raquel Somera Ancheta, 51; Ednalyn Sabaten Silario, 46; Jessar Rei Sababa Cruz, 24; Constancia Lazo Quinola, 62; Humprey Savellano Catriz, 39; Jerly Oda Manantan Flores, 24; Benny Sardeng Agbayani, 26; na pawang sumuko noong Agosto 6 habang sina Kevin Segui Somera, 34; Austin Giorgio Soller Serna, 25; Alvin Silario Solis, 30; Ronillo Somera Santiago, 51; Renato Sabugo Roman, 57; Rexor Moisis Cruz Abara, 26; at Richard Siruno Pula, 48; ay sumuko noong Agosto 7.

Tanging si Conrado Segui na kabilang pa sa mga akusdao ang mas naunang sumuko sa mga otoridad matapos na mabatid na mayroon silang warrant of arrest kaya nagtataka  si Savellano-Ong kung bakit ngayon lamang sumurender ang dating alkalde at mga kasamahan, at kung sino ang nagkupkop sa kanila sa loob ng 10-buwang pagtatago.

Nag-ugat ang kaso matapos na ipadlocked ng mga empleyado ng City hall sa utos umano ni Cobangbang ang Cabugao Beach Resort kung saan na-trap si Savellano-Ong sa loob nito, kasama ang ang apat na taong gulang niyang anak at mga empleyado.

 Ang kaso ay nakasampa sa Regional Trial Court Branch 24 ng Cabugao, Ilocos Sur.

vuukle comment

HULE

KASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with