^

Probinsiya

World class airport ng SMC, itatayo sa bayan ni PBA ‘Aerial Voyager’

Pilipino Star Ngayon
World class airport ng SMC, itatayo sa bayan ni PBA �Aerial Voyager�
Ang naturang P734 billion airport na sisimulan sa Oktubre ay mayroong apat na parallel runways at may karagdagan pang dalawa, world-class terminal at transport system. Dagdag pa dito ang mga projects para mabawasan ang pagbaha sa buong Bulacan.
AFP/File

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng katuparan ang pangarap ng mga Bulakenyo matapos ang nalalapit nang konstruksyon ng tinaguriang “world class airport” sa bayan ni Vergel Meneses na tinaguriang “Aerial Voyager” ng PBA. 

Ang naturang P734 billion airport na sisimulan sa Oktubre ay mayroong apat na parallel runways at may karagdagan pang dalawa, world-class terminal at transport system. Dagdag pa dito ang mga projects para mabawasan ang pagbaha sa buong Bulacan.

“Malaki talaga ang maitutulong. There will be more opportunities in terms of employment, increase of revenues from business, and real pro­perty will appreciate its value,” wika ng 51-taong gulang na si Meneses na mayor ng Bulakan, Bulacan tungkol sa airport ng San Miguel Corporation (SMC) na makakatulong para maibsan ang pagsisikip sa Ninoy Aquino International Airport

Ang naturang airport ay kayang ma-accommodate ng 100 milyon na pasahero taun-taon, gagawa ng mahigit 1-mil­yon na direct at indirect na trabaho, magbubukas ng maraming maliit na industriya sa Bulakan. Dahil dito ay mabubuhay rin ang turismo at magkakaroon pa ng mas maraming trabaho sa maraming larangan.

“Definitely yes, may ilang mga nag-alala. Pero nang napaliwanagan sila at nakita ang benepisyo na ibibigay sa pagpapatayo ng airport sa bayan ng Bulacan ay naging excited sila,” ani Meneses.

Alam ni Meneses ang sinasabi niya dahil minsan siyang naging player ng Barangay Ginebra, isa sa mga teams ng SMC sa PBA. Noong 1999 hanggang 2002 ay naipamalas sa kanya ang malasakit ng kumpanya at maging sa ngayon sa dinaranas na pandemya.

“Opo naman. Pinapakita ng SMC ang malasakit nila sa mga mamamayan ng Bulakan lalo na nitong pandemic. Ipinadama nila ang malasakit at pag-alaga sa tao. Sa pamamagitan ni Boss RSA (Ramon Ang),” wika pa ng alkalde.

vuukle comment

AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with