^

Probinsiya

Rider dedo, angkas sugatan sa pamamaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Rider dedo, angkas sugatan sa pamamaril
Dead-on-arrival sa Aroroy Municipal Hospital dahil sa tama ng punglo sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Julius Inopia Fabon, residente ng Brgy. Balete, Aroroy habang sugatan ang kanyang kasama na si Mario Macadat Montilla.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasapol ng punglo sa ulo ang 25-anyos na rider ng motorsiklo habang sugatan ang kasama matapos pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng highway ng Brgy. Panique, Aroroy, Masbate kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Aroroy Municipal Hospital dahil sa tama ng punglo sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Julius Inopia Fabon, residente ng Brgy. Balete, Aroroy habang sugatan ang kanyang kasama na si Mario Macadat Montilla.

Sa ulat, dakong alas-9:35 ng umaga habang magkaangkas ang dalawang biktima sa motorsiklo (GD-26689) at binabagbtas ang highway nang biglang sumulpot ang tatlong suspek sa likurang bahagi at pinagbabaril ang mga biktima.

Agad rumesponde ang mga residente at pulis at naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay si Fabon.

Nakuha sa lugar ng crime scene ang ilang basyo ng Kalibre 45 baril.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with