^

Probinsiya

2 rider todas sa salpukan ng motorsiklo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 rider todas sa salpukan ng motorsiklo
Kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo Modilla Ortiz, 44, ng Brgy. San Lucas at Elison Salire Cometa, 35, ng Brgy. Dominorog.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa nalasog ang katawan ng dala­wang rider matapos na magbanggaan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Sto.Domingo sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo Modilla Ortiz, 44, ng Brgy. San Lucas at Elison Salire Cometa, 35, ng Brgy. Dominorog.

Sa ulat, alas-11:25 ng gabi kapwa mabilis at magkasalubong na binabaybay ng Honda motorcycle ni Ortiz at Euro motorcycle (parehong walang plaka) ni Cometa ang highway nang aksidenteng magbanggaan sila sa gitna.

Sa lakas nang banggaan sugatang tumi­lapon ang dalawang rider at parehong nawasak ang kanilang minamanehong motorsiklo.

Agad na isinugod ang dalawa sa Bicol Medical Center sa Naga City pero hindi na uma­bot nang buhay si Ortiz habang nasawi naman habang ginagamot si Cometa.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with