^

Probinsiya

Nigerian nalambat sa P6.8 milyong shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Nigerian nalambat sa P6.8 milyong shabu
Inaresto si Ukoji ng mga operatiba matapos na iabot sa isang agent na nagpanggap na buyer ang ilegal na droga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang Nigerian national ang dinakip nang makuhanan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation Bacoor City,Cavite.

Nakilala ang naaresto na si Ifeanyi Ukoji y Chukwu, Nigerian, 36, ng Barangay Mambog III, Bacoor City, Cavite.

Batay sa report, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-11:30 ng tanghali ng pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team (PDEA RO IV-A RSET), PDEA Quezon, PDEA Cavite, at Bacoor City Police Station sa parking lot ng isang fast food sa Molino Boulevard, Barangay Talaba IV, Bacoor City.

Inaresto si Ukoji ng mga operatiba matapos na iabot sa isang agent na nagpanggap na buyer ang ilegal na droga.

Nasamsan ng mga otoridad sa suspek ang 1,000 grams ng shabu na nagkakalaga ng P6.8 milyon at marked money.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with