^

Probinsiya

Nadakip na most wanted sa Cagayan, positibo sa COVID-19

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Sa halip na sa kulungan dalhin ay sa pagamutan diniretso ang isang most wanted sa isang bayan sa Cagayan matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay P/Col. Ariel Quilang, provincial police director ng Cagayan, nakumpirma na positibo sa COVID-19 ang isang akusado na itinago sa pangalan na “Bruno” na itinuturing na top 9 most wanted sa bayan ng Abulug sa nabanggit na lalawigan.

Si Bruno na naidagdag ngayon sa bilang ng mga nagpositibo sa nasabing virus ay dinakip ng mga opeartiba ng Abulug PNP dahil sa kasong dalawang (2) beses na paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City noong Agosto 3.

Matapos maiuwi ang akusado sa Cagayan ay agad itong isinailalim sa medical sa Rural Health Unit ng Abulug bilang bahagi ng protocol kung saan agad itong nagpositibo sa rapid test kung kaya’t sumailalim na rin sa swab test.

Ayon sa resulta ng swab test na lumabas nitong Lunes (Agosto 10), positibo sa corona virus ang akusado kung kaya’t agad naman na dinala ito sa isang pagamutan sa nasabing lalawigan.

Agad din na sumailalim sa swab test ang mga tauhan ng Abulug PNP lalo na ang tatlo sa kanilang mga operatiba na dumakip at bumiyahe kasama ang akusado.

Sumailalim din sa quarantine ang iba pang mga mga tauhan ng lokal na pulisya habang ipinapatupad ang localized lockdown sa nasabing himpilan ng pulisya.

vuukle comment

COVID-19

MOST WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with