^

Probinsiya

17-anyos dedo sa road crash

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Nabasag ang ulo ng isang 17-anyos na rider matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa steel barrier at humampas sa sementadong kalsada sa kahabaan ng national highway ng Purok-2, Brgy.San Isidro sa bayan ng Malilipot, Albay kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga rumespondeng residente at pulis sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si John Erick Bilaos ng Purok-4, Brgy. Sta Teresa.

Sa ulat, dakong alas-11:50 ng gabi binabagtas ng biktima ang kahabaan ng highway patungong Tabaco City nang mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at bumangga sa steel barrier.

Sa lakas nang pagkakabangga, tumilapon at humampas ang biktima sa gitna ng kalsada at napuruhan ang kanyang ulo na kanyang ikinasawi.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with