^

Probinsiya

1 pang mayor sa Isabela positibo sa COVID-19

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Hawaan sa Mayor’s League meeting

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa pang mayor sa Isabela ang nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawa sa isang konsehal na nagsilbing kinatawan ng kanyang ama sa Ma­yor’s League meeting sa Ilagan City, Isabela, ayon sa isang opisyal kahapon.

Tinukoy ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang nagpositibo sa virus na si Mayor Arnold Co, 38-anyos ng bayan ng Delfin Albano.

Si Mayor Co na tinaguriang “CV469” ng Department of Health ay isa sa mga dumalo sa nasabing pulong sa lalawigan noong Hulyo 31. Kabilang siya sa 30 na alkalde na agad isinailalim sa swab test noong Agosto 3 matapos na malamang nagpositibo sa COVID-19 ni Konsehal Jay Evenson Diaz na dumalo sa nasabing pulong.

Lumalabas na nahawa si Konsehal Diaz sa kanyang amang si Ilagan City Mayor Jose Marie Diaz na unang nagpositibo sa virus at tatlo pang miyembro ng kanyang pamilya.

Nabatid na katabi sa lamesa ni Co si Konsehal Diaz na mayroong exposure sa amang si Mayor Diaz na nagkaroon ng kasaysayan ng paglalakbay sa Muñoz, Nueva Ecija na isang hotspot ng COVID sa Central Luzon. Kalaunan ay lumabas ang positibong resulta ng konsehal kasama ang ina nito at isa pang kapatid.

Nagnegatibo naman sa pagsusuri sina Gov. Albano, Vice Gov. Faustino Dy III at mga alkalde ng Cabagan at Sta. Maria.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with