^

Probinsiya

Rider tigok sa bundol ng nurse

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang rider makaraang mabangga ng kasalubong na Ford Ranger na minamaneho ng isang lalaking nurse sa Maharlika Highway, Barangay Lagalag, dito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Dennis De Leon, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Mark Anthony Veronica, 24, may live-in partner at residente ng nasabing barangay habang nasa kustodya na pulisya ang driver ng Ford Ranger (ZJN-434) na si Felipe Alcantara, 51, may asawa ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi ay sakay ng kanyang Sinski Motorcycle ang biktima at tinatahak ang highway patungo sa kanilang bahay nang mag-slide ito dahil sa dulas ng kalye bunsod ng pag-ulan. Tiyempo namang dumarating ang sasakyan ng suspek at nabangga ito na agad niyang ikinamatay.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with