^

Probinsiya

Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Quirino

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Santiago City, Isabela, Philippines — Nabasag na ang pagi­ging COVID-19 free sa lalawigan ng Quirino matapos maitala ang kauna-unahang nagpositibo sa virus sa lalawigan. Ayon sa ulat, nakuhanan ng swab test noong Agosto 6 ang unang pasyente ng COVID-19 na isang 24-anyos na babae mula sa bayan ng Cabaroguis.

Kinumpirma naman ito ni Gov. Dakila Cua dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa matapos magpositibo sa swab test ang nasabing pasyente na tinawag na Cagayan Valley (CV481). Ayon kay Cua, bagama’t nakakalungkot at nagkaroon na ng COVID-19 positive ang kanilang lalawigan, kanyang hinihimok ang mga residente na huwag mag-panic o maalarma dahil nagsasagawa na sila ng mga kaukulang hakbang para sa contact tracing at iba pa.

Si CV 481 na nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center ay walang travel history sa Manila o anumang COVID-19 hotspot areas kaya’t maaari umanong nahawa siya sa mga nakasalamuha.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with