^

Probinsiya

7 todas sa engkuwentro sa Ilocos Sur

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
7 todas sa engkuwentro sa Ilocos Sur
Ayon kay Army Major Ericson Bulosan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command (NolCom), Kabilang sa mga nasawi sa panig ng mga rebelde ay isang amasona na natukoy lamang sa pangalang “Ka Maymay”, at isang Rolando Marvil na kilala bilang “Ka Eugene”, habang inaalam pa ang tatlong iba pa na pawang miyembro ng Kilusang Larangang Guerilya-Southern Ilocos Sur (KLG-SIS).
STAR/File

Santiago City, Isabela, Philippines — Patay ang pitong katao na kinabibilangan ng limang miyembro ng New Peoples’ Army (NPA), isang sundalo at isang sibilyan matapos ang isang madugong sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng militar sa Sta. Lucia,  Ilocos Sur kamakalawa umaga.

Ayon kay Army Major Ericson Bulosan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command (NolCom), Kabilang sa mga nasawi sa panig ng mga rebelde ay isang amasona na natukoy lamang sa pangalang “Ka Maymay”, at isang Rolando Marvil na kilala bilang “Ka Eugene”, habang inaalam pa ang tatlong iba pa na pawang miyembro ng Kilusang Larangang Guerilya-Southern Ilocos Sur (KLG-SIS).

Hindi rin muna pina­ngalanan ang sundalo na napaslang at isang magsasaka na nadamay sa sagupaan matapos mapagkamalan umano ng mga rebelde na kalaban.

Ayon kay Bulosan, nag-umpisa ang bakbakan sa pagitan ng 702nd Infantry Brigade (702-IB) ng Philippine Army sa pangunguna ni Brig. Gen. Audrey Pasia at tinatayang 15 na miyembro ng KLG-SIS na pinamumunuan ng isang Ronnie Garvida alyas “Ka Nero” sa Brgy. Suagayan sa bayan ng Sta. Lucia dakong alas-2:00 ng hapon noong Sabado at natapos ng umaga ng Linggo.

Nasugatan din sa engkuwentro ang lima pang sundalo na pa­wang mga miyembro ng 702-IB habang dalawa pang pang sibilyan ang isinugod sa pagamutan matapos matamaan ng bala sa crossfire.

Pinaniniwalaang maraming nasugatan sa panig ng mga rebelde na tumakas dahil sa mga bakas ng dugo sa kanilang iniwan sa lugar.

Nabawi ng militar mula sa mga nasa­wing rebelde ang apat na M-16 armalite rifles, isang M-14 rifle, isang carbine rifle, isang shotgun rifle, da­lawang granada, mga bala at iba’t ibang mga kagamitang pandigma.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with