^

Probinsiya

Bahay sumabog, nasunog: 2 babae patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang babae kabilang ang isang lola habang sugatan ang isa pa nang may sumabog sa kanilang tahanan sanhi ng matinding sunog sa Biñan City sa Laguna, Linggo ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na sina Zenaida Mendoza, 72, at ang 19-anyos na si Sophie Andre Mendoza, pawang residente ng B1 L52 Lipa St., South City Homes sa Barangay Sto. Tomas.

Nagtamo naman ng lapnos sa katawan ang isang Justin Mendoza na nilalapatan na ng lunas.

Dakong alas-12:15 ng tanghali nang makarinig ng pagsabog sa loob ng bahay ng mga biktima at kasunod nito ang mabilis na pagkalat ng apoy.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung anong pinagmulan ng pagsabog na ikinasawi ng mga biktima.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with