^

Probinsiya

SUV vs armored car: 1 dedo, 6 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
SUV vs armored car: 1 dedo, 6 sugatan
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Greymar Barcarse, 39, drayber ng SUV na residente ng Brgy. Bangag, Aparri.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Isa ang patay habang anim ang sugatan sa salpukan ng SUV at armored vehicle ng bangko sa highway ng Brgy. Lalafugan, Lal-lo, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Greymar Barcarse, 39, drayber ng SUV na residente ng Brgy. Bangag, Aparri.

Lumalabas na nang-agaw ng linya si Bacarse dahilan upang masalubong niya ang rumaragasang armored car na minamaneho ni Manny Bacani, 34, dakong alas-3:30 ng hapon.

Naipit si Bacarse ng kanyang sasakyan sa lakas ng salpukan at patay na nang mairating ng mga sumaklolo sa Matilde Olivas District Hospital sa Camalaniugan kung saan inoobserbahan ang mga kasama niyang sina Keith Michael Unana, 18, at Winston Collado, 35.

Sugatan din ang drayber ng armored vehicle na si Bacani at mga sakay niyang sina Rico Caronan, 33; Emil Jerry Bosi, 31, at Panteleon Tattao, 25; pawang mga kawani ng bangko.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with