^

Probinsiya

Karambola ng 3 sasakyan: Lolong driver napisak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang 61-anyos na tricycle driver makaraang maipit sa karambola ng tatlong sasakyan sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Ibabang Iyam, dito kamakalawa Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Felipe Pacaigue, may asawa ng Purok Narra, Barangay I Sabang.

Base sa ulat, alas-10:50 ng umaga ay binabagtas ng Toyota Wigo ni Vilma Yanoria, 52, ang nasabing highway subalit pagsapit sa tapat ng isang hotel ay binangga ito sa kaliwang hulihan ng humahagibis na Toyota Grandia van na minamaneho ni Henry Hermoso ng Gasan, Marinduque.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, bumangga naman ang isa sa sasak­yan sa hulihang bahagi ng tricycle ni Pacaigue at nakaladkad pa ng 100 metro hanggang sa huminto sa tapat ng isang tindahan na doon ay naipit ang biktima sanhi ng kanyang pagkasawi.

vuukle comment

TOYOTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with