^

Probinsiya

P3.2 milyong marijuana winasak sa Kalinga

Victor Martin, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
P3.2 milyong marijuana winasak sa Kalinga
Ang sinunog na 16,000 marijuana plants na nadiskubre sa isang plantasyon sa Kalinga kamakalawa.

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasa P3.2 mil­yong halaga ng marijuana plants ang nasamsam at winasak matapos na madiskubre muli ng mga awtoridad sa isang plantasyon sa Kalinga, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat, nasa 1,600 square meters ang nadiskubreng plantasyon kung saan humigit kumulang sa 16,000 na fully grown marijuana plants ang kanilang binunot at sinunog sa Brgy. Loccong, Tinglayan.

Ang operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na “Oplan 11 Lima Lawing” (MJ Eradication Ope­ration) na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Kalinga Police Office, PDEA-Cordillera at Cagayan Valley, Kalinga Provincial Mobile Force Company at Tinglayan Police na nagresulta sa dalawang araw na pagwasak sa nasabing plantasyon.

Samantala, sinabi ni P/Col. Davy Vicente Limmong, police director ng Kalinga na magpapatuloy ang kanilang isasagawang pagdiskubre sa iba pang mga plantasyon para tuluyang mawasak ang mga ito.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with