^

Probinsiya

6 Chinese may dalang 1-kilong shabu, nasabat sa Subic

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Arestado ang anim na Chinese national matapos masabat ng mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group at Subic Bay Metropolitan Authority at makuhanan ng isang kilong shabu at baril sa Tipo Gate ng nasabing freeport kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Jiang Peng; Liu Qiao Zhi; Huang Du; Chen, Pingxing; Xia, Fayong; at Fan Sheng Jian.

Nasa kustodya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong kriminal.

Ayon kay PNP-HPG chief Police Capt. Mark Abaja, sinita nila ang sasakyan ng mga suspek na Nissan XTrail (XTP-513) dakong alas-7 ng gabi dahil sa kawalan ng validating sticker at wala ring lisensiya ang driver ng sasakyan habang hindi rin sila naka-seatbelt.

Dahil dito, ininspeksyon ng mga awtoridad ang sasakyan at dito nadiskubre ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, 45 caliber pistol na may pitong bala, 11 cellphones, identification cards, passports, bank cash deposit transaction slips, at wallet.

Nabatid na may mga kasama ang mga suspek na lulan ng Toyota Alphard at Hi-Ace van subalit nagawang makatakas na ngayo’y tinutugis na ng pulisya.

vuukle comment

HPG

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with