^

Probinsiya

Magtatay timbog sa marijuana

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines Magkasama hanggang sa kulungan ang mag-amang hinihinalang tulak makaraang makumpiskahan ng marijuana sa isinagawang anti-drug operation ng Lucena PNP Drug Enforcement Unit kamakalawa ng umaga sa San Antonio subdivision,Purok Little Baguio 2, Barangay Ibabang Dupay.

Kinilala ni PLt.Col.Romulo Albacea, chief of police dito ang mga naaresto na sina Jose Llona,56 at Jeorge Ojiel Llona, 19.

Ayon sa ulat, nakumpirma ng CDEU na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug trade ang mag-ama kung kaya agad na ikinasa ang buy-bust dakong alas-7:35 ng umaga sa kanilang bahay.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang pirasong P10 marked money at sling bag.

Ayon sa batang Llona, tatlong taon na siyang nagbebenta ng marijuana sa mga kabataan na malimit niyang parukyano.

vuukle comment

CDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with