^

Probinsiya

Presinto hinagisan ng bomba: Pulis at bata sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa sugatan ang isang pulis at isang batang babae matapos na hagisan ng bomba ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki ang bagong tayong presinto ng Masbate City Police sa Purok-3, Brgy. Bantique sa Masbate City, Masbate Martes ng hatinggabi.

Isinugod sa Masbate Provincial Hospital ang sugatang sina Pat. Marvin Cañas, kasapi ng Provincial Mobile Force Company at nakatalaga sa Masbate City Police at batang itinago sa pangalang Mena. Nasa mabuti nang kalagayan ang dalawa na nagtamo lang ng konting sugat sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-11:55 ng hatinggabi nagulantang ang mga pulis at residente sa malakas na pagsabog sa bagong itinayong Police Community Precinct 7 sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pagsabog, nasira ang bahagi ng presinto police pati ang ilang bahay sa pali­gid pero masuwerteng walang nasawi at bahagyang sugat lamang ang tinamo ng nasabing pulis at batang biktima mula sa isang nahagip na bahay.

Sa imbestigasyon, nakita ang apat na lalaki na ibinato ang isang improvised explosive device sa PCP-7, may 15 metro ang distansya bago mabilis na tumakas.

vuukle comment

BOMBA

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with