^

Probinsiya

Retiradong pulis itinumba habang nagdya-jogging

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Retiradong pulis itinumba habang nagdya-jogging
Kinilala ni P/Lt. Da­niel Polo, hepe ng Abucay Police Sub-Station ang nasawing biktima na si Francisco Homeres, retired PNP member na nakatalaga dati sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
STAR/ File

TACLOBAN, Philippines — Patay ang isang retiradong pulis makaraang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang nagdya-jogging sa highway ng Brgy. Abucay, sa Tacloban, Leyte kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Da­niel Polo, hepe ng Abucay Police Sub-Station ang nasawing biktima na si Francisco Homeres, retired PNP member na nakatalaga dati sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7 ng umaga habang nag-eehersiyo at nagdya-jogging ang biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang isang sasakyan sa lugar lulan ng mga ‘di kilalang lalaki.

Ayon sa ilang residente, pagtapat ng isang kulay itim na SUV sa biktima, isa sa suspek na armado ng hindi pa natukoy na armas ang bigla na lamang pinagbabaril nang malapitan ang biktima sa may harapan ng isang tindahan.

Nang matiyak na napuruhan at patay na angbiktim ay mabilis na tumakas ang mga suspek salugar.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with