^

Probinsiya

Chopper ng PAF bumagsak: 4 patay, 1 sugatan

Doris Franche, Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Chopper ng PAF bumagsak: 4 patay, 1 sugatan
Ang wreckage ng Vintage UH-1D (Huey) helicopter ng Philippine Air Force na may tail number 8308 na bumagsak sa air station ng PAF Tactical Opera-tions Group-2 sa Purok 6, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela na ikinasawi ng apat kabilang ang dalawang piloto habang isa ang sugatan kamakalawa ng gabi.

SANTIGAO CITY, Isabela, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay kabilang ang dalawang piloto habang isang crew ang malubhang nasugatan matapos na bumagsak at sumabog ang kanilang sinasakyang chopper ng Philippine Air Force (PAF) sa Cauayan City, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Ang apat na nasawi na hindi pa pinangalanan ay kinabibilangan ng dalawang piloto, isang crew at isang backrider na pawang kasapi ng PAF habang inoobserbahan sa isang pribadong ospital ang isa pang crew na himalang nakaligtas sa insidente.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, dakong alas-7:10 ng gabi nang maganap ang pagbagsak at pagsabog ng Vintage UH-­1D (Huey) helicopter ng PAF na may tail number 8308 habang nagsasagawa ng pagsasanay sa paggamit ng kanilang bagong “Night Vision Goggles” ang mga biktima na miyembro ng 205th Tactical Huey Helicopter Wing sa ramp area ng mismong Air Station ng Tactical Operations Group-2 sa Purok 6, Brgy. San Fermin ng nasabing lungsod.

Ayon kay Fire Chief Inspector Aristotle Atal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Cauayan City, nahirapan umano silang apulahin agad ang natutupok na military helicopter at inabot pa sila ng 30 minuto bago nakontrol ito sa tulong ng mga kagawad ng pulisya at Rescue 922 ng lungsod.

Sa isinagawang search and retrieval ope­rations, huling narekober ng mga rescuers ang sunog na bangkay ng dalawang sakay ng chopper matapos silang maipit sa loob nito.

Nagawa namang makatalon ng isa pang crew sa chopper bago ito bumagsak sanhi upang siya ay masugatan at makaligtas.

Sa salaysay ng ilang residente, nakarinig sila ng malakas na pagsabog at nang lumabas sila sa kanilang tahanan ay nakita nila ang makapal na usok at malaking apoy kasabay ng mga putok ng pinaniniwalaang mga bala mula sa nasusunog na helicopter na sinasabing makaluma at ginamit pa noong Vietnam war ng dekada 70s.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya, PAF at Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) sa nasabing trahedya.

Nagpaabot nang pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng ta­gapagsalita na si Major Gen. Edgard Arevalo sa naiwang pamilya ng apat na nasawi.

vuukle comment

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with