^

Probinsiya

3 inmates sa Rizal namatay sa pneumonia

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 inmates sa Rizal namatay sa pneumonia
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Liberato Reyes; Jojit Morales; at Ruben Tuazon, pa­wang nasa hustong gulang at nahaharap sa magkakaibang kaso na hindi na tinukoy pa ng mga otoridad.
STRA/ File

RIZAL, Philippines — Binawian ng buhay dahil sa sakit na pneumonia ang tatlong preso sa dala­wang bayan ng lalawigan ng Rizal, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Liberato Reyes; Jojit Morales; at Ruben Tuazon, pa­wang nasa hustong gulang at nahaharap sa magkakaibang kaso na hindi na tinukoy pa ng mga otoridad.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), unang namatay si Reyes habang nilalapatan ng lunas sa Cainta Municipal Hospital dakong alas-10:00 ng umaga kamakalawa matapos na dumaing na nahihirapang hu­minga noong gabi ng Hulyo 21 at na-confine sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay dahil sa pneumonia/PTB (pulmonary tuberculosis).

Sumunod na binawian ng buhay si Morales dahil din sa sakit na pneumonia dakong alas-5:04 ng hapon kamakalawa na na-confine sa sakit na diabetes ngunit dinapuan ng pneumonia na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sa ulat ng Antipolo City Police,alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang isugod si Tuazon sa Rizal Provincial Hospital System Annex 2, sa Barangay Dalig matapos na mahirapang huminga at namatay dahil sa septic shock. Nabatid na dumaranas din ito ng severe pneumonia.

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with