^

Probinsiya

P107 milyong puslit na sigarilyo nasabat sa Davao

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P107 milyong puslit na sigarilyo nasabat sa Davao
Sa naantalang ulat ng BOC-Port of Davao, naganap ang pagkum­piska sa kargamento nitong nakaraang Hulyo 14 na naglalaman ng 1,205 kahon ng Astro brand na sigarilyo at 942 kahon ng YS brand na sigarilyo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa P107 mil­yong halaga ng sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang tangkaing ipuslit na kunwari ay mga tissue paper sa Port of Davao sa Davao City kamakailan.

Sa naantalang ulat ng BOC-Port of Davao, naganap ang pagkum­piska sa kargamento nitong nakaraang Hulyo 14 na naglalaman ng 1,205 kahon ng Astro brand na sigarilyo at 942 kahon ng YS brand na sigarilyo.

Sa intelligence report ng BOC-Intelligence Group at Enforcement Group, dumating sa Davao International Container Terminal (DICT) ang dalawang container vans nitong Hulyo 10 na idineklarang naglalaman ng 2,180 kahon ng mga tissue papers. Nang isai­lalim sa physical inspection, dito nadiskubre na mga sigarilyo ang laman ng container vans.

Dalawa pang containers ang dumating sa parehong terminal nitong Hulyo 12 na nakadeklarang 1,940 kahon ng tissue paper. Ngunit nang isailalim sa x-ray inspection at physical examination nitong Hulyo 16, lumabas na ang laman ng mga kahon ay 942 kahon ng YS brand na sigarilyo at 941 kahon ng Fort brand na sigarilyo.

Hindi umano idineklara ng may-ari ng kargamento ang laman detalye ng kanilang shipment sa “e-manifest”.

Dahil sa epektibong pagkalap ng intelligence report, nabatid ang destinasyon ng kargamento na patungo sa Davao City kung saan nasabat ito.

Naglabas si Customs Davao District Collector Atty. Erastus Austria ng “warrant of seizue and detention (WSD)” sa mga kargamento dahil sa mga kaukulang paglabag.

vuukle comment

BOC

SIGARILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with