^

Probinsiya

25 barangay sa Rizal 8-oras mawawalan ng tubig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang 25 barangay sa lalawigan ng Rizal mula Miyerkules (July 22) ng alas-9 ng gabi hanggang Huwebes (July 23) ng alas-5 ng madaling araw.

 Ayon sa Manila Water, ang water interruption ay epekto ng gagawing maintenance activities sa kanilang Siruna Pumping Station sa Brgy. Mambugan, Antipolo City ngayong linggo.

Ang mga apektadong barangay ay sa Antipolo City sa Teresa at Morong sa Bagong Nayon, Mambugan, Mayamot (Pagrai área lang), Cupang (Pagrai area lang) Dalig (maliban sa kahabaan ng Teresa, Tapales, Gamboa), Dela Paz, Sta. Cruz, San Isidro (maliban sa Bermuda Heights, Buliran Road,  sa kahabaan ng Circumferential Road), San Roque, San Luis (maliban sa  Corville,  Biong, Primavera), San Jose ( maliban sa Marcos Highway), Poblacion, San Gabriel, May-Iba, Dulumbayan, Calumpang, Sto. Cristo, Prinza, Bagumbayan, Dalig, San Roque, San Guillermo gayundin sa isang barangay sa Binangonan, isa sa Angono at isa sa Taytay sa Palangoy, Mahabang Parang at Dolores.

May mahigit namang 210, 000 populasyon mula sa  42,289 kabahayan, commercial at business establishments sa 25 barangays sa Antipolo City, Teresa, Morong, Taytay, Angono at Binangonan sa Rizal Province ang apektado ng pagkawala ng suplay ng tubig sa naturang araw.

‘Pag bumalik na ang suplay ng tubig, pinapayo ng kumpanya na hayaan munang matapon ang unang labas ng tubig sa gripo bago gamitin.

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with